Thursday, January 12, 2017

IKAW


Sa hindi malamang dahilan
Ika'y hindi ko mapakawalan
Ang ‘yong tinig
kay gandang pakinggan
Ang 'yong mata'y kay sarap titigan
Ang 'yong mga kamay
kay init hawakan
Ikaw ang kailangan
Ng pusong naiwan
Sa mundo ng kawalan
-D

Wednesday, January 11, 2017

Sana..OO

Nagsimula sa ngiti
Nang makilala kita
Ang puso ko’y humuni
May pinararating ba?

Pagtingin ay umigting
Nang lalong makilala
Mga matang bituin
Oh kay ningning ng tala

Sa paglipas ng araw
Uuwi nang masaya
Ikaw ang laging tanaw
Ika’y mahal na kaya?

Kulitan dito’t roon
Hindi mapaghiwalay
Ang saya saya ngayon
Puso, tunay na nga ba?

Masaya ako noon
Kasama sa kulitan
Masaya ako ngayon
Walang hanggang tawanan.

Ngunit biglang nagbago
Ang tuwa ay tumumal
Ramdam ang ‘yong paglayo
Halata na ba, mahal?

Ang lihim na pag-irog
Isasambulat na ba?
Kagaya ba ng ilog?
Paaagusin na ba?

Minsa’y tila susuko
Itutuloy ko pa ba?
Tama nga ba ang ito?
Sige, susubukan na.

Ang hindi ko mawari
Takot sa aking dibdib
Ayusin ang sarili
Ilayo sa panganib

Pero sige, heto na
Handa nang ipagtapat
Pag-ibig, malaya na
Ayan na nga, salamat.

Walang inaasahan
Sana’y hindi masawi
Ayoko nang masaktan
Ang sakit ay mapawi

Oo nga ba o hindi?
Iyan ang katanungan
Mahal kita parati
‘Yan ang katotohanan.

-O

1Jn.4:18


Kaibigan








Girl: Mahal kita
isang kataga, dalawang salita..
magsisimula ako sa panahon noong unang nakita kita
noong panahong naniniwala ako na ikaw ay isang kaibigan..
hindi ko inalintana ang bawat minuto, oras at araw na kausap kita.
hindi inisip na mayroong pagbabagong darating,
bawat pag pitik ng kamay ng orasan ikaw na ang hinahanap,
ikaw na ang nakasanayan, asan ka na?
sa bawat pag kilos, kumusta na?
sa bawat sandaling dumadaan aking nakikilala
ang tao na nasa loob mo, ang taong naitatago sa likod ng iyong pisikal na Kaanyuhan

lumipas ang oras, umikot ang mundo
kakaibang pangyayari ay malapit nang sumapit
balikan natin ang oras nang una mong sinabing “gusto kita”
Guy:
“gusto kita”
Gusto kita dahil maganda ka
Gusto kita dail mabait ka
Gusto kita dahil masaya ka kasama
Oo tama
“GUSTO LAMANG KITA”
Girl:
Inasahan kong ang gusto kita ay paunti unti ring maglalaho
Ayoko, ayokong nang mahulog, ayoko na mahulog sa bagay na walang kasiguraduhan
Ayoko na sumugal sa pustahang walang katuturan
Ayoko na muling mapagdiskitahan at masaktan
Ayokong mawalan ng kaibigan, kaibigan ko “lang” siya
KAIBIGAN KO LNG SIYA 
KAIBIGAN LANG
Hindi ba’t napaka gulo, napaka komplikado
Na ikaw ay may gusto at ako ay umaayaw
Hindi ba napakahirap na ikaw ay umaasa at ako ay kumakapit sa wala
KAIBIGAN LANG
Masakit? Oo alam ko masakit
Pero sa mabilis na pag takbo ng oras, sa matulin na pagsikat at paglubog ng araw
Mabilis ring nagbago ang GUSTO KITA
Guy:
Gusto kita?
Hindi
Gusto kita
Bura
Mahal kita, mahal, mahal na kita
Mahal na nga kita
Nais kong makasama ka, nais kong mapasaya ka, nais kong buuin ka, nais kong kumpletuhin ka
Mahal kita, mahal kita dahil ikaw si ikaw, mahal kita dahil hindi ka perpekto
Mahal kita dahil… mahal kita.. mahal kita dahil mahal kita
Pero paano, paanong ang aking nadarama kung patuloy na tatanggihan
Girl:
Hindi pwede 
Hindi tama
Kaibigan lang 
KAIBIGAN LANG
Guy:
Gagawin ko ang lahat, susungkitin ang bituin
Haharapin ang lahat ng pagsubok
Makamtan ko lang ang iyong pagmamahal
Tatanggapin ang lahat ng sakit
Magsasakripisyo sa bawat sandali
Iaalay ang lahat sayo at ipagpapasadiyos ang desisyon mo
Mahal kita, 
Mahal kita kaya nga tanggap ko kung sino ka
Mahal kita kaya ng ikaw ang hanap hanap ko 
Mahal kita kaya ng ikaw ang aking ligaya
Mahal kita, simple lang 
Mahal kita
Mahal kita sa kabila ng pagkakamali mo 
Mahal kita at paninindigan koi to
Mahal,
Mahal ng pa rin kita
Mahal kita, at handa kitang tuluungan Mahal kita hindi kita iiwanan 
Mahal kita ngayon, pag mamahal ko’y tapat
Mahal kita noon
Akala’y perpekto ka
Nang malaman na hindi 
Mas minahal pa kita

Girl:
Mahal mo nga ako
Mahal mo nga ako, hindi mo ako iniwan
Kalian may hindi sinaktan
Pangako’y pinanghawakan 
Paano matutuklasan saan ba patungo ang aking daan
Salamat, salamat sa hindi pag-iwan, salamat sa pananatili, salamat sa pagpapahalaga, salamat sa lahat pero hanggang dito lang talaga, hanggang dito lang, kaibigan.
– D